Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, muli nating binibigyang-pugay ang wikang Filipino bilang puso ng ating pagkakakilanlan, kultura, at karunungan. Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ipinapaalala sa atin na sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang wastong paggamit, pagpapahalaga, at pagpapaunlad ng ating wikang pambansa. Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na maging aktibong bahagi ng pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba’t ibang gawain at patimpalak. Higit sa…